Sa pagpasok ng huling Lunes ng Agosto, muling ipinamalas ng mga mag-aaral at kawani ng Cagayan State University–Gonzaga ang kanilang pakikiisa sa taunang pagdiriwang ng ASEAN Month.
Bilang bahagi ng buong-buwang selebrasyon, nagsuot ang mga Ka-Tangkiran ng iba’t ibang kasuotang kumakatawan sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura at pagkakakilanlan ng mga bansang kabilang sa rehiyon.
Ilang piling mag-aaral mula sa anim na kolehiyo ng campus ang lumahok sa aktibidad at nagpakilala ng kani-kanilang kasuotan. Ipinamalas din nila ang ilang kilos at hesturang iniuugnay sa bansang kanilang kinakatawan.
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng month-long celebration ng campus na naglalayong palawakin ang kaalaman at pagpapahalaga ng mga mag-aaral at kawani sa kultura, pagkakaiba-iba, at pagkakaisa ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
Sa nalalapit na pagtatapos ng taunang selebrasyon, muling ipinakita ng CSU-Gonzaga ang suporta nito sa layunin ng ASEAN na itaguyod ang pagkakaisa, pagkakaunawaan, at kooperasyon sa rehiyon.
Mga larawan ay kuha ni Ms. Lorie Fhel Ramento, staff ng CEO's office